DOH PINAG-IINGAT ANG LAHAT SA MGA SAKIT NA MAY KAUGNAYAN SA HOLIDAY HEART SYNDROME NGAYONG PASKO AT BAGONG TAON : ISANG SINTESIS
Ang napiling lokal na pahayagan ng isang artikulo o komentaryo na tumatalakay sa isa sa mga kasunod na isyung panlipunan: Paglaganap ng Sakit sa Isang Komunidad
Sanggunian ng Naisaliksik: https://doh.gov.ph/press-release/doh-pinag-iingat-ang-lahat-sa-mga-sakit-na-may-kaugnayan-sa-holiday-heart-syndrome-ngayong-pasko-at-bagong-taon/
Titulo ng Artikulo: DOH PINAG-IINGAT ANG LAHAT SA MGA SAKIT NA MAY KAUGNAYAN SA HOLIDAY HEART SYNDROME NGAYONG PASKO AT BAGONG TAON
Nagawang Buod:
Naghanda ang DOH sa paparating na pasko noong ika-23 ng Disyembre 2024 sa pagpupulong para sa 'Ligtas Christmas Hospital Preparedness and Response Rounds' kung saan ay tinalakay ni Secretary Ted Herbosa na mahigpit na tinututok ng mga ospital ang mga sakit tulad ng Holiday Heart Syndrome na isang kondisyon dulot ng labis ng pag-iinom ng alak, istres, at hindi malusog na pamumuhay sa bawat araw, na maaring humantong sa Arrhythmia na isang sanhi ng Stroke. Ayon sa DOH, pumalo ng higit 60 na kaso ng stroke mula Hulyo hanggang Nobyembre, taong 2024, at pitong kaso ng Stroke bago ang pasko na maaring tataas dahil sa labis na pag-konsumo ng alak at pagkain, na naitala rin sa taong 2023. Ayon sa PHC, naitala ang 38 na mga kaso ng Stroke noong Disyembe, taong 2023 na tumaas sa 43 pagsapit ng Enero 2024 - na pinakamataas na naitalang kaso ng stroke sa taon; 110 na kaso ng Acute Coronary Heart Syndrome, na tumaas sa 115 na kaso pagsapit ng Enero 2024. Naitala naman ng East Avenue Medical Center (EAMC) ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Stroke kung ikinukumpara sa Disyembre ng mga taong 2020 hanggang 2023 na kung saan nasa 188 na pasyente ng Stroke noong 2020, 226 noong 2021, 247 noong 2022, at 328 noong 2023. Sa St. Lukes Medical Center Quezon, 415 ang kaso ng Stroke noong 2023, mas mataas kumpara sa 295 noong 2022. Sa 2024 naman, nakapagtala ng 339 ng Stroke discharge ang SLMCQ. Patuloy na pinapaalala ng DOH at Sec. Ted Herbosa na dapat panatilihing malusog ang sarili sa wasto at maayos na pagtugon sa sarili nating mga pangangailangan. Inihayag din ng BiyaHealthy at Iwas Paputok na iwasan ang mga paputok na nakakasakit o maging sanhi ng firecracker-related injuries lalo na sa mga menor de edad, at dapat na maayos at sama-sama ang ating pagsalubong sa taong 2025.

Comments
Post a Comment